LAS VEGAS
(AP) --- Nabali ang kanang binti ni Indiana Pacers All-Star Paul George
kahapon na nagpatigil sa US national team’s intra-squad scrimmage.
Sinubukan ni George na pigilan ang
fast-break layup ni James Harden, may 9:33 left sa fourth quarter,
ngunit sa pag-landing nito mula sa mataas na paglundag ay bigla na
lamang bumigay ang kanyang binti kasunod ng pagkakatapak nito sa base
ng backboard stanchion.
Agad na sumugod ang mga trainers sa floor at matapos ang higit 10 minuto, binitbit si George palabas sa arena na nakahiga sa stretcher. Kita sa mukha ng mga players ang pag-aalala at inanunsyo ni coach Mike Krzyzewski sa crowd na hindi na itutuloy ang scrimmage bilang respeto kay George at sa kanyang pamilya.
“There’s no way the game could have gone on under the circumstances,” ani USA Basketball chairman Jerry Colangelo.
Lamang ang White team kontra tropa ni George na Blue team, 81-71.
Kinokonsidera si George na makakasama
ito sa final 12-man roster para sa World Cup of Basketball na
magsisimula sa huling bahagi ng buwan sa Spain.
Plano ng mga Americans na salain ang 20-play pool sa 14 o 15 players bukas ngunit ipinagpaliban muna ito kasunod ng injury ni George.
“Everything’s on hold right now and it should be,” dagdag ni Krzyzewski.
Nalagasan pa ng tauhan ang defending champion US team matapos ang naunang pag-atras nina forwards Kevin Love, Blake Griffin, LaMarcus Aldridge at NBA Finals MVP Kawhi Leonard.
Kandidato si George na mag-start kasama si Kevin Durant. Tumanggi sina Krzyzewski at Colangelo na pag-usapan ang roster matapos ang game, sinabing hindi nila alam kung kailan gagawin ang roster reductions.
Post a Comment